Philadelphia 76ers, tinambakan ang Orlando Magic sa preseason games ng NBA

Ipinatikim ng Philadelphia 76ers ang unang pagkatalo sa Orlando Magic sa preseason games ng National Basketball Association (NBA) sa score na 116-72.

Nanguna sa opensa ng 76ers sina Joel Embiid at Seth Curry na kapwa nakagawa ng 21 points.

Nagdagdag din para sa 76ers si Tobias Harris ng 20 points at nine rebounds habang si Shake Milton ay umiskor ng 14 points para masungkit ang win-loss record na 4-1.


Nanguna naman para sa Magic si Nikola Vucevic na may 19 points at 10 rebounds habang si rookie Cole Anthony ay may 16 points.

Facebook Comments