Manila, Philippines – Tumanggi munang magkumento ang isa sa pinaka malaking gold and copper producer sa Pilipinas na Philex Mining Corporation hinggil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang State of the Nation Address kaugnay sa pagbatikos nito sa mining industry.
Ayon kay Maddie Cabrera Public Affairs Supervisor ng Philex Mining Corporation sa ngayon wala pa silang reaksyon sa mga patama ni Duterte sa sektor ng minahan.
Matatandaang kahapon sa SONA ng pangulo muli nyang pinag-initan ang mining industry.
Nagbabala pa si Duterte sa mga may-ari ng mga mining companies na gawing prayoridad ang pagpapanumbalik ng kaayusan at kalinisan ng kapaligiran.
Giit pa ng pangulo ang mga iligal na pagmimina ang nagiging dahilan kung bakit nawawala ang virginity ng kalikasan.
Dapat na din aniyang itigil na ng mga mining companies ang pagwasak at maging responsable sa kapaligiran alang -alang narin sa susunod na henerasyon.