PHILFECO Chairman Dave Siquian, Todo ang Naging Pasasalamat!

178

Cauayan City, Isabela- Masayang pinasalamatan ni PHILFECO Chairman at ISELCO 2 General Manager Dave Solomon Siquian ang lahat ng mga dumalo sa ginanap na oath taking ceremony sa Dreamwave Hotel Alibagu, City of Ilagan kahapon May 5, 2018.

Sa pagdalo ng RMN Cauayan News Team sa naturang aktibidad ay pinasalamatan ni PHILFECO Chairman Siquian ang mga pangunahing bisita na sina National Electrification Administrator Edgardo Masongsong, PHILRECA, NELECA at ISELCO 1 Board President Presley De Jesus, Gov. Faustino “Bojie” Dy III, Vice Gov. Antnio Albano, mga staffs at iba pang mga empleyado ng ISELCO.


Sinabi pa ni PHILFECO Chairman Siquian sa kanyang naging talumpati na ang kanyang posisyon bilang chairman ng PHILFECO ay dahil umano sa tiwalang ibinigay sa kanya at kung wala umano ang iba’t ibang empleyadong kanyang nagiging katuwang ay hindi niya mararating ang kanyang posisyon ngayon bilang PHILFECO Chairman.

Dagdag pa niya, ipagpapatuloy pa umano nito ang pagpupursigi upang lalo pang sumulong at maging progresibo ang ISELCO at umaasa na lagi siyang susuportahan ng kanyang mga katuwang upang lalong makapagbigay ng mas magandang kalidad ng serbisyo para sa kanilang nasasakupan.

Samantala, lubos naman ang kanyang naging pasasalamat sa kanyang PHILFECO family dahil sa pagtitiwala at pagpili sa kanya upang umupo at mailuklok sa pwesto bilang PHILFECO Chairman na ayon sa kanya ay isa umanong kahayagan na sila ay pagkakaisa.

Facebook Comments