Hihilingin ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Dante Gierran sa company board na aprubahan ang panukalang palawigin ang dialysis coverage ng mga pasyente na lagpas ng 90-session limit kada taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iminungkahi ni Gierran na itaas ang dialysis session ng hanggang tatlong beses sa isang linggo o 133 sessions sa isang taon mula sa kasalukuyang 90 sessions.
Plano rin ng pamahalaan na magbigay ng financial assistance sa ilang pasyente kung saan nakikipag-ugnayan na si Gierran sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pamamahagi ng ₱10,000 para sa dialysis patients.
Ang proposal ay nakatakdang iprisenta ni Gierran sa kanilang board meeting ngayong araw.
Facebook Comments