PhilHealth, binalewala ang ulat na may nagaganap na iregularidad sa kanilang ahensiya

Binalewala ng PhilHealth ang mga ulat na may nagaganap na iregularidad sa ilang proyekto sa Information Technology (IT) ng ahensiya.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Ricardo Morales, aprubado ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang PhilHealth’s Information System Strategic Plan (ISSP) kaya binubusisi muna ang mga impormasyon.

Sumusunod din aniya sila sa R.A. 9184 o Procurement Law kung saan nangangailangan muna ng approval ang mga item mula sa board bago maganap ang procurement.


Taliwas din sa ilang lumalabas na ulat, nanggaling ang isyu sa report ng internal audit at hindi sa report ng Commission on Audit (COA).

Kasabay nito, tiniyak naman ng I.T. sector ng PhilHealth sa pangunguna ni Senior Vice President Jovita Aragona na isinasailalim na nila sa pagsusuri ang mga lumalabas na ulat.

Facebook Comments