Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga lumalabas na alegasyon, kaugnay sa overpriced I.T. equipment na pinag-uusapan sa Senate Committee of the Whole hearing at ini-report ng isang media outlet.
Narito ang paliwanag ng ahensya:
1.) Ang 24 units of network switches na ini-ulat ng Commission on audit (COA) at hindi pa nayu-utilized at nasa loob pa ng mga box nang magsagawa ng pagsisiyasat ang selected PROs at LHIOs, alinsunod sa Audit Query Memorandum No. 2020-002.
2.) Walang nakasaad na “overpriced” ICT projects sa internal audit reports bagkus discrepancies lamang.
Ang discrepancies ay ang pagkakaiba ng aktwal na presyo sa budget estimates provided.
3.) Hindi ikinonsidera ang technical specifications at period of time para sa procurement ng labinlimang (15) units nang ito ay ipinanukala.
Ang nearest specifications kasi ng version ng CISCO 9200 ng dating Head Executive Assistant ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na si Etrobal Laborte kasama ang CISCO 2960XR ay may list price na US$ 4,215 o P210,000 pesos per unit.
Kung isasama ang 3-year warranty, vat, cost of money at 5% delivery, services, at iba pa, aabot sa 324,555 ang approximate price nito.
4.) Hindi totoo na may double entries na nagaganap taliwas sa mga alegasyon.
Ang mga proyekto kasi na nakita sa 2018-2020 budget proposals na umano’y double entries, ay posibleng magkapareho ang project titles pero magkaiba ng proyekto at scope of work.