PhilHealth Chief Dante Gierran, hihingi ng payo mula kay Morales

Determinado si PhilHealth President Dante Gierran na magagampanan niya ang kaniyang bagong trabaho sa ahensya.

Sa Laging Handa Public Briefing, aminado si Gierran na wala siyang alam sa public health management pero pag-aaralan niya ito.

Iginiit niya na hindi ito dahilan para resolbahin ang problema sa PhilHealth at linisin ang ahensya mula sa korapsyon.


Plano rin niyang humingi ng payo kay resigned PhilHealth Chief Ricardo Morales sa kung ano ang mga dapat gawin at alamin ang mga bagay na hindi na dapat gawin.

May mga kakausapin din siyang mga eksperto para mahingan ang kanilang opinyon.

Facebook Comments