PhilHealth Chief Ricardo Morales, hindi sisibakin ni Pangulong Duterte kung walang pruwebang sangkot siya sa korapsyon

191

Walang balak na sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si PhilHealth President at CEO Ricardo Morales maliban na lamang kung may pruwebang sangkot ito sa korapsyon.


Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos siyang tanungin sa isang TV interview kung dapat bang mag-resign o mag-leave of absence muna ang retired military general.

Tiwala si Roque na gagawin ng Pangulo ang tama oras na may ebidensyang magpapatunay na sakot si Morales sa katiwalian.

Bukod sa pagdinig sa Senado, nagsasagawa na rin aniya ng parallel investigation si Undersecretary Jesus Melchor Quitain.

Una nang itinanggi ni Morales na protektor siya ng mga korap na opisyal matapos na ibunyag ni dating Anti-Fraud Legal Officer Thorsson Montes Keith na aabot sa 15 bilyon ang nakulimbat ng isang “mafia” sa loob ng PhilHealth na kinabibilangan ng executive committee ng ahensya.

Facebook Comments