PhilHealth Chief Ricardo Morales, nakatakdang mag-leave sa trabaho dahil sa sakit na lymphoma

Nakatakdang maghain si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales ng medical leave sa trabaho.

Ito ay sa gitna ng imbestigasyon ng Senado at Department of Justice kaugnay sa mga iregularidad at anomalya sa PhilHealth.

Nitong Sabado ay nagpadala ang doktor ni Morales ng sulat kalakip ang medical certificate sa Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Sen. Vicente “Tito” Sotto para sabihing hindi siya personal na makakadalo sa mga pagdinig dahil sa kanyang chemotherapy matapos na ma-diagnose sa sakit na lymphoma.


Ayon kay Morales, bagamat hindi niya hangarin na i-delay ang imbestigasyon, kailangan niyang sundin ang payo ng kanyang doktor.

Bunsod nito, sinabi ni Morales na nagpaalam na siya sa kanyang mga boss at nasa kanila na ang desisyon kung papayagan siyang mag-leave.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung magtatalaga siya ng temporary head sa PhilHealth habang nahaharap sa imbestigasyon ang mga opisyal ng ahensya.

Facebook Comments