PhilHealth Chief Ricardo Morales, nanindigang hindi magbibitiw sa pwesto

192

Nanindigan si PhilHealth President and Chief Executive Officer Ricardo Morales na hindi siya magbibitiw sa kaniyang pwesto sa harap ng pag-iimbestiga sa ahensya dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay Morales, patuloy siyang magsilsilbi hanggang sa kailangan siya.


Tulad aniya ng isang sundalo, hindi siya aatras sa anumang hamon.

Ginagawa nila ang kanilang makakaya para matanggal ang iregularidad sa ahensya.

Iginiit ni Morales na hindi madali ang pagpapatupad ng reporma sa state-health insurer.

Hindi na rin aniya bago ang mga isinasagawang imbestigasyon sa PhilHealth dahil tila parang nagiging “annual event” na ito.




Ipinagtanggol naman ni PhilHealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo si Morales mula sa mga akusasyong sangkot siya sa iregularidad sa ahensya.

Kung titingnan ang mga records, si Morales aniya ay isang “original graft buster.”

Facebook Comments