PhilHealth Chief Ricardo Morales, posibleng maharap sa reklamo kapag naantala ang pagpapatupad ng UHC

Posibleng maharap sa kasong kriminal si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President Ricardo Morales sakaling maantala ang pagpapatupad ng Universal Health Care Act.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bahagi ng mandato ni Morales na ipatupad ang batas.

Hindi maaaring i-antala ni Morales ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na sakaling magkasakit ng COVID-19, sasagutin ng PhilHealth ang gastusin nito.


Sinabi pa ni Roque na hindi discretion ni Morales na ipatupad ang UHC o hindi.

Kung kinakailangan niya ng karagdagang pondo ay maaari itong ikonsidera ng mga mambabatas at maaari ding sertipikahan ni Pangulong Duterte ito bilang urgent para maaksyunan agad ito ng Kongreso.

Dagdag pa ni Roque, kung hindi kaya ni Morales na ipatupad ang batas, panahon na para ibigay sa iba ang kanyang trabaho.

Nabatid na nag-ugat ang alitan nina Roque at Morales dahil sa proposal ng PhilHealth na i-antala ang pagpapatupad ng batas dahil sa lumulubog na budget nito bunsod ng COVID-19 pandemic at umano’y korapsyon sa ahensya.

Facebook Comments