PhilHealth coverage para sa mga biktima ng COVID-19, tiniyak – Secretary Karlo Nograles

Tiniyak ng pamahalaan na patuloy ang health coverage ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pasyenteng may COVID-19 sa kabila ng diumano’y korapsyong bumabalot sa ahensya.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, walang dapat ipag-alala ang mga COVID-19 patient dahil nakamandato sa Universal Health Care law ang patuloy na suporta ng PhilHealth sa kanilang pagpapagamot.

Batid ni Nograles na mahirap ang magkaroon ng sakit at pagtitiyak sa mga pasyente ng suporta mula sa gobyerno.


Nitong Abril, inilabas ng PhilHealth ang bago nilang case rate packages para sa COVID-19 patients na naka-admit sa mga ospital.

Ang mga mayroong mild pneumonia ay bibigyan ng P43,997; moderate pneumonia P143,267, severe pneumonia P333,519 at critical pneumonia P786,384.

Nangako rin ang PhilHealth na sasagutin ang COVID-19 test mula sa P2,710 hanggang P8,150.

Facebook Comments