PhilHealth COVID-19 response kinilala ng ASEAN Social Security Association

Pinarangalan ng ASEAN Social Security Association (ASSA) ng “Continuous Improvement Recognition Award” ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa mga pagbabagong ipinatupad nito sa paraan ng pagbabayad upang maisakatuparan ang Universal Health Care.

Ang pagkilala ay ginawad sa kanilang 37th virtual Board meeting nitong nakaraang Disyembre.

Sa unang bahagi ng 2020 ay nagpatupad ang PhilHealth ng iba’t-ibang Covid-19 benefit packages mula sa testing gamit ang swab test, community isolation package, at pakete para sa nangangailangan ng gamutan depende sa pneumonia na bunsod ng SARS-CoV2 virus.


Lubos naman ang pasasalamat sa ASSA Board ni Atty. Dante A. Gierran, Pangulo at Punong Tagapagpaganap ng PhilHealth. Aniya, ang parangal ay patunay sa malasakit ng pamahalaan sa mga pasyente ng COVID-19 at sa healthcare workers na patuloy na lumalaban upang masugpo ang paglaganap nito.

Ang ASSA ay binubuo ng mga social security agencies mula sa Brunei, Cambodia, Indonesia, LAO PDR, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas. ###

Reference: Rey T. Baleña, Senior Manager, Corporate Communication Department

Mobile No: 09328749417

Facebook Comments