PhilHealth, dapat isailalim sa special audit ng COA

Iginiit ni Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara sa Commission on Audit (COA) na isailalim sa special audit ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kasunod ito ng pagbibitiw ng tatlong opisyal ng PhilHealth na pawang mga dating opisyal ng militar na idealistic at hindi masaya sa nangyayaring anomalya sa ahensya.

Diin ni Angara, isang malaking krimen na pagnanakawan pa ang PhilHealth kahit hindi na sapat ang pondo nito sa laki ng pangangailangan ng publiko ngayong may COVID-19 pandemic.


Binanggit pa ni Angara, na malaking bahagi ng nakokolektang buwis ng taumbayan ay inilalaan sa PhilHealth kada taon para sa pagpapagamot ng mga Pilipino kaugnay sa implementasyon ng Universal Health Care Law.

Samantala, sabi naman ni Senator Risa Hontiveros, kailangang malinis ang PhilHealth upang masiguro na ang pondo ng publiko ay napupunta sa publiko.

Ayon kay Hontiveros, dapat panagutin sa batas ang mapapatunayang tiwali at nagsasamantala sa pandemya para kumita.

Facebook Comments