PhilHealth, dapat managot sa nangyaring hacking at data leak sa sistema nito

Iginiit ni AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes na dapat managot ang Philippine Health Insurance Corp. (Philhealth) sa kabiguan nitong proteksyunan ang personal na impormasyon ng mga miyembro nito.

Kinastigo rin ni Reyes ang mga opisyal ng PhilHealth makaraang isisi sa government procurement rules ang pagsablay nito na mai-update ang sariling antivirus systems.

Diin ni Reyes, dapat bumaba sa pwesto ang mga taga-PhilHealth kung hindi makasunod ng mahigpit sa mga patakaran na tumitiyak sa integridad ng mga transaksyon sa pamahalaan.


Ikinadismaya din ni Reyes na tila pinapaikot tayo ng PhilHealth sa pabagobago nilang statements kung saan una nilang inihayag na walang nangyaring data leak.

Bandang huli aniya ay inamin na nakompromiso ang personal information ng members nito sa nangyaring Medusa ransomware attack noong September 22.

Ipinunto ni Reyes na bagama’t naayos na ng Department of Information and Communication Techonology ang system at database ng PhilHealth ay naman ang mga personal information na naka-post na sa dark web.

Facebook Comments