Mas mababa ang naitalang bilang ng PhilHealth denied claims sa Pangasinan noong 2024 kumpara sa mga nakaraang taon, ayon sa inilabas na datos ng PhilHealth PRO 1.
Batay sa ulat noong Mayo 2024, umabot sa 14,928,409 ang kabuuang bilang ng denied claims mula sa labing-apat na ospital na pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan. Malaki ang ibinaba nito kumpara sa 36,292,974 denied claims noong 2023.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ilan sa mga posibleng dahilan ng denied claims ay ang kakulangan sa manpower sa mga ospital at tanggapan ng PhilHealth na nag-aasikaso ng mga dokumento.
Dagdag pa rito, ang manwal na proseso sa halip na computerized na sistema ay maaaring nagdudulot ng pagkaantala sa pagproseso ng mga dokumento, na nagiging sanhi ng pagkaka-deny ng mga claims.
Dagdag pa rito, ang manwal na proseso sa halip na computerized na sistema ay maaaring nagdudulot ng pagkaantala sa pagproseso ng mga dokumento, na nagiging sanhi ng pagkaka-deny ng mga claims.
Patuloy naman ang pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na pababain pa ang bilang ng PhilHealth denied claims upang mas marami ang makinabang sa mga serbisyong medikal na iniaalok ng ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments