PhilHealth, gagamit na ng Biometrics System sa susunod na taon

Gagamit na ang PhilHealth ng Biometrics System sa susunod na taon.

Ayon kay PhilHealth President and CEO Ricardo Morales, layunin nitong matiyak ang integridad ng hospital claims.

Kasalukuyan nilang tinatrabaho ang ‘proof of concept’ kasama ang ilang technology providers para sa ‘liveness check’ at ‘identity authentication’ solutions na ilulunsad sa kanilang mga tanggapan at Participating Health Facilities sa 2020.


Sinabi pa ni Morales na isang Smartphone-Based App Biometrics System ay mayroong Fingerprint Scanning Feature, at Facial Recognition.

Nitong Hulyo, naghayag ang PhilHealth na isulong ang full-automation sa kanilang processing system upang maiwasan na ang korapsyon sa mga transaksyon ng ahensya.

Facebook Comments