PhilHealth, hihintayin pa ang legal na opinyon ng DOJ bago bayaran ang Red Cross

Hihintayin muna ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang legal opinion ng Department of Justice (DOJ) bago bayaran ang halos P1 billion utang nito sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon sa state health insurer, napagdesisyunan ng board na hintayin muna ang legal opinion ng DOJ kaugnay sa memorandum of agreement ng PhilHealth at PRC para sa kinakailangang legal guidance sa gagawing pagbabayad ng P930 milyong pagkakautang.

Anila, may sapat na pondong pambayad ang PhilHealth at hinihiling lamang nito ang pang-unawa pa ng mga apektadong sektor habang inaayos ang isyu.


Nais ding makatiyak ng PhilHealth na ang lahat ay nasa ayos bilang bahagi ng pangangalaga sa pondo ng kanilang mga miyembro.

Una nang sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra na patuloy pang nire-review ng DOJ ang kasunduan sa pagitan ng PRC at PhilHealth kaugnay sa libreng COVID-19 swab testing.

Facebook Comments