PhilHealth, humingi ng pang-unawa sa Red Cross hinggil sa hindi nababayarang utang

Humingi ng pang-unawa ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa Philippine Red Cross (PRC) dahil sa pagkaantala sa pagbabayad ng milyu-milyong pisong utang nito para sa COVID-19 tests.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, kailangang sumunod ng state insurer sa accounting rules and regulations ng Commission on Audit sa pagpoproseso ng claims.

Ang Department of Justice (DOJ) ay naglabas na ng opinyon hinggil dito kung saan kailangang sumunod ang PhilHealth sa accounting rules and regulations.


Sa ngayon, inihahanda na ng PhilHealth ngayong linggo ang pagbabayad sa partial amount para bumaba ang utang nito sa 500 million pesos.

Facebook Comments