Nilinaw ni PhilHealth President at CEO Atty. Dante Gierran sa Laging Handa public press briefing na hindi lamang ang PhilHealth ID number ang kailangan kapag magpapabakuna.
Reaksyon ito ni Gierran sa lumabas na mga ulat na “No PhilHealth ID number, No Vaccine.”
Ayon kay Atty. Gieran, kapag dumating na ang oras ng inyong pagbabakuna ay dapat magdala ng unique identifier ang isang babakunahan.
Ani Gierran, ang unique identifier ay ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal kung saan nakasulat ang kompletong pangalan, edad, kasarian, address at iba pang personal information.
Kabilang dito ang PhilHealth ID, PRC license, driver’s license, maaari din ang UMID ID, passport, cedula, birth certificate o barangay certificate.
Mahalaga aniya ito para sa datos ng pamahalaan at upang mapaalala kung kailan tatanggapin ang 2nd dose ng bakuna.