PhilHealth Identification Number, hindi kailangan para magparehistro sa pagpapabakuna – DOH

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi requirement ang PhilHealth Identification Number (PIN) para magparehistro sa COVID-19 vaccine.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na kailangan ang PIN para sa COVID-19 vaccination.

Ayon pa sa DOH, kakailanganin lamang ang PIN para makuha ang benepisyo sa PhilHealth ng mga magkakaroon ng adverse events matapos mabakunahan.


Para matiyak na makakakuha ng benepisyo, tiniyak ng DOH na magtatayo sila ng mga registration booths sa mga official vaccination sites upang mapadali ang pagpaparehistro sa PhilHealth ng mga magkakaroon ng adverse events.

Iginiit din ng DOH na sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Law, lahat ng mga Pilipino, direkta o hindi direktang nagbabayad, kabilang ang kanilang mga dependents, indigent members, senior citizens at persons with disability ay awtomatikong miyembro ng PhilHealth.

Facebook Comments