Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang ₱15 billion ay hindi ibinulsa ng kanilang senior officials.
Sa kanilang official Facebook page, nakasaad sa post na ang kontrobersyal na ₱15 billion ay hindi nawawala at sa halip ay napunta lamang sa mga ospital sa buong bansa para tulungan ang mga nangangailangan.
“Napunta ito sa 711 ospital sa bansa bilang ayuda sa pandemya at para mapanatili silang bukas para sa mga pasyenteng nangangailangan ng gamutan,” sabi ng PhilHealth.
Dagdag pa ng state health insurer na ang ₱15 billion ay “properly accounted for” dahil napakinabangan ito ng mga pasyenteng benepisyaryo.
Mula sa ₱15 billion, kabuuang ₱14.21 billion ay na-liquidate o 95% ng kabuuang Interim Reimbursement Mechanism ang naipamahagi sa buong bansa.
Sa 711 healthcare facilities, 516 ang fully liquidated; 153 ang nasa 50% ang na-liquidate; at 42 health facilities ay mayroong 42% liquidated.