PhilHealth, iimbestigahan na ang “upcasing” na ginagawa ng ilang ospital at healthcare providers

Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na tinitingnan na nila ang sinasabing “upcasing” na ginagawa ng ilang ospital at healthcare providers.

Kaugnay ito sa umano’y pagdedeklara sa mga pasyente na COVID-19 positive kahit ibang sakit ang dahilan kaya sila nagpa-ospital.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Dr. Shirley Domingo, sa ngayon ay iniimbestigahan na ito ng legal division ng kanilang tanggapan.


Dito ay pagpapaliwanagin ang pamunuan ng mga ospital at kapag mapatunayan ang mga akusasyon ay posibleng tanggalan sila ng accreditation ng PhilHealth.

Facebook Comments