PhilHealth, inamin na may pagkaantala sa pagproseso ng claims para sa mga kaso ng COVID-19

Inamin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mayroong pagkaantala sa kanilang pagproseso ng claims para sa mga kaso ng COVID-19.

Kasabay ito ng panawagan ng Philippine Hospital Association (PHA) kaugnay sa hindi pa nababayarang claims ng PhilHealth sa marami pang ospital sa bansa.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, naapektuhan din ng pandemya ang workforce ng ahensya.


Habang marami din sa kanilang empleyado ang kinakailangang i-confine o mag-isolate matapos ma-exposed o magpositibo sa COVID-19.

Kung sa isyu naman ng pagsasara ng mga ospital sa bansa dahil sa pagkalugi, sinabi ni Domingo na hindi lamang dapat isisi ang mga ito sa hindi pa nila nababayarang hospital claims.

Marami kasi aniyang posibleng dahilan kaya nalulugi ang mga ospital ngayong may pandemya kung saan kabilang na rito ang; mababang bilang ng mga nagpapa-ospital noong nakaraang taon gayundin ang mga dagdag na gastusin ng mga ospital tulad ng pagbili ng face mask, face shield at PPEs.

Facebook Comments