PhilHealth, inatasan ni PRRD na gawing boluntaryo ang pagbabayad ng premium ng mga OFWs

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na gawin na lamang boluntaryo ang pagbabayad ng premium contribution ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Kasunod narin ito ng pag-tutol ng mga OFWs sa pagtaas ng bayarin nila sa sa philhealth.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ngayong maraming OFWs ang nawalan ng trabaho ay dapat hindi muna magpataw ng dagdag na pahirap sa mga tinaguriang bagong bayani.


Ani Roque, ngayong may pandemic ng COVID-19 at maraming OFWs ang nawalan ng trabaho ay dapat hindi muna magpataw ng dagdag na pahirap sa mga tinaguriang bagong bayani

Sinabi pa ni Roque, na pinasuspinde na rin ni Health Secretary Francisco Duque III sa PhilHealth ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng universal health care na nagpapataw ng mataas na kontribusyon habang mayroong COVID-19 pandemic.

Facebook Comments