Manila, Philippines – Ipinaalala ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang publiko na sakop ng kanilang insurance ang mga may kaso ng measles o tigdas.
Ito ay kasunod ng tigdas outbreak sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa statement ng PhilHealth, ang kanilang coverage para sa tigdas ay mula ₱7,700 hanggang ₱25,700.
Ang uncomplicated cases ng measles ay sasagutin ng PhilHealth sa ₱7,700 habang nasa ₱15,000 ang babayaran ng PhilHealth kapag ang kaso ay pneumonia in measles.
Kapag na-confine na ang pasyenteng may tigdas na may kasamang meningitis ay sagot ng PhilHealth ang ₱25,700.
Ang mga pasyenteng walang aktibong PhilHealth coverage ay maaaring i-avail ang mga benepisyo sa pamamagitan ng point of service program.
Facebook Comments