Binabalangkas pa rin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang guidelines para sa indemnity fund.
Ang indemnity fund ang gagamiting pondo para sagutin ang mga makakaranas ng adverse effects mula sa COVID-19 vaccine.
Ayon kay PhilHealth acting senior manager Mary Antonette Remonte, isinasapinal lamang ang guidelines.
Pagkatapos nito ay aaprubahan pa ito ng PhilHealth board bago ipatupad.
Iginiit ni Remonte na ang indemnification fund ay bagong mandato ng PhilHealth kaya kailangan nilang pag-aralan ito.
Nabatid na nasa 500 million pesos ang inilaan ng gobyerno para rito.
Facebook Comments