PhilHealth, itinangging ipapasara ang mga ospital dahil sa delayed payments

Pinabulaanan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nahaharap sa closure ang ilang ospital dahil sa delayed payments.

Sa statement, sinabi ng PhilHealth na aabot sa ₱53.53 billion ang na-disburse ngayong taon.

Ang payment ng claims ay umabot na sa ₱38.6 billion, kabilang ang ₱4.74 billion na binayaran sa pamamagitan ng accelerated Return to Hospital (RTH) initiative, habang ang ₱13.93 billion ay inilabas sa ilalim ng reimbursement mechanism.


Higit sa kalahati o 56.5% ng total claims na nagkakahalaga ng ₱21.8 billion ay binayaran sa pamamagitan ng private facilities.

Iginiit ng PhilHealth na malisyoso at iresponsable ang pahayag ni Dr. Rustico Jimenez na nasa 300 o higit pang pribadong ospital ang napipinto ang pagsasara dahil sa delayed payments sa PhilHealth.

Hindi rin kinikilala ng Philhealth si Dr. Jimenez bilang lehitimong kinatawan ng anumang hospital association dahil sa kanyang historical pattern ng “wild” at “unfounded” accusations.

Si Dr. Jimenez ay presidente ng 744-member Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi).

Facebook Comments