Kukuha ang PhilHealth ng mga fraud investigators, mga abugado at mga doctor kasunod ng nabunyag na ghost claims ng mga dialysis patient kahit patay na.
Ayon kay Atty. Rodolfo Del Rosario, senior vice president for legal sector ng PhilHealth – kukuha sila ng 130 fraud investigators, 12 mga abugado at 54 na mga doctor para maiwasan ang dagdag pang iregularidad sa ahensya ngayong ipapatupad na ang Universal Health Care (UHC) Law.
Kasabay nito, tiniyak naman ni PhilHealth President Dr. Roy Ferrer na nananatiling matatag ang operasyon ng ahensya.
Aniya, sa katunayan noong 2018 ay nagkaroon pa sila ng surplus sa kanilang kita na umabot sa mahigit labing isang bilyong piso.
Facebook Comments