PhilHealth, maghahain ng apela kasunod ng utos ng COA na ibalik ang halos 140 Million Pesos na allowance at bonus

Maghahain ng apela ng Philippine Health Insurance corporation (PhilHealth) sa Court of Appeals (CA) para kwestyunin ang desisyon ng Commission on Audit (COA).

Ito ay may kaugnayan sa utos ng COA sa PhilHealth na isauli ang higit ₱139 Million na allowances at bonuses na ibinigay sa mga opisyal at empleyado nito.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ang pagbibigay ng allowances at bonuses ay legal at naaayon sa batas.


Dagdag pa ni Domingo, nakasaad sa Magna Carta of Public Health Workers na kinikilala sila bilang Public Health Workers, salungat sa pahayag ng COA.

Duda naman si incoming PhilHealth President and CEO Ricardo Morales sa mga ulat na aabot sa 154 Billion Pesos ang nawala sa PhilHealth dahil sa maanomalyang reimbursement claims.

Ani Morales, wala silang nakitang ebidensya na na-defraud ang PhilHealth mula 2013 hanggang 2018.

Ang 154 Billion Pesos ay katumbas ng nasa 25 Billion bawat taon sa loob ng anim na taon, mataas sa operating budget ng PhilHealth.

Facebook Comments