Nagbanta si Senator Imee Marcos na pananagutin ng Senado ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kapag hindi pa nito nabayaran ang matagal ng utang sa mga ospital.
Nagtataka si Marcos kung bakit matagal nang panahon na bigo ang PhilHealth na bayaran ang mga ospital gayong palagi nitong sinasabi na may pera sila mula sa gobyerno, pati sa koleksyon at buo rin ang reserve fund na P220 billion.
Dahil dito ay malubha ngayon ang kalagayan ng mga ospital at kulang-kulang din sa 60% ang COVID-19 claims ang hindi pa nababayaran.
Kasama rin sa pinagkakautangan ng PhilHealth ang mga ospital sa Visayas at Mindanao kung saan grabe ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Marcos, nagdudulot ito ng pagnipis sa pondo ng mga ospital kaya hirap silang magdagdag ng mga nurse at bumili ng sapat na oxygen, personal protective equipment at iba pang kailangang medical supplies.