PhilHealth, mas pinalawak pa ang coverage sa health package sa kalulunsad na YAKAP Program

Mas pinalawak pa ng PhilHealth ang kanilang health package sa kalulunsad na “Yaman ng Kalusgugan” o YAKAP Program para malayo sa sakit ang mga Pilipino.

Ayon kay PhilHealth acting President at CEO Dr. Edwin M. Mercado, mula sa dating 21 na gamot na kino-cover ng PhilHealth ay ginawa na nila itong 75.

Mayroon din aniyang cellphone app na ilulunsad para ma-avail ang naturang mga gamot sa PhilHealth accredited na pharmacy.

Kasama pa rito ang expanded package para sa accessible health services, kabilang na ang check-ups at basic laboratory tests.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na suportado nila ang YAKAP Program ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga empleyado na maka-access sa naturang programa.

Kanina ay pinangunahan din ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma at Mercado ang ceremonial signing ng memorandum of agreement o MOA para sa kalulunsad na programa ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments