PhilHealth, may average na P7 million na utang sa mga pribadong ospital na miyembro ng Philippine Hospital Association

Nasa ₱7 million ang average na utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa bawat ospital na miyembro ng Philippine Hospital Association.

Ito ang inihayag ni PHA President Dr. Jaime Almora kung saan sa kabuuan ay nasa ₱86 billion ang nagastos na ng kanilang mga miyembrong ospital na hindi pa nababayaran ng PhilHealth.

Samantala, sa interview ng RMN Manila sinabi ni PhilHealth Spokesperson Rey Balena na marami nang mga ospital ang nakasuhan dahil sa ginagawang “upcasing” o yung paglalagay sa mga COVID-19 patients na may mild symptoms bilang severe para mas malaki ang makuha mula sa PhilHealth.


Matatandaang ikinabahala ng mga grupo ng mga ospital ang paglalabas ng circular ng PhilHealth na nagsususpinde muna sa pagbibigay ng claims habang iniimbestigahan muna ang mga ospital.

Facebook Comments