Philhealth, may paglilinaw kaugnay sa unang pahayag na hanggang 2027 na lamang ang itatagal ng ahensya

Nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kahapon ang naunang pahayag ng kanilang officer-in-charge Eli Dino Santos na hanggang 2027 na lamang ang itatagal ng kanilang ahensya.

Mababatid na inihayag ito ni Santos sa pagdinig ng House appropriations committee kung saan ang actuarial life ng state health insurer ay mapapalawig kahit matapos ang taong 2027 kung magdadagdagan ang nagpopondo rito maliban sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa isang panayam, sinabi ni Philhealth Spokesperson at Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo na ang reserve funds ng ahensya ay nagkakahalaga ng 177 bilyong piso as of December 31, 2021, mas mataas ng 25% kumpara noong 2020.


Nilinaw rin ni Domingo na ang estimate actuarial life ng state health insurer na binanggit ni Santos ay pawang assumption at projections lamang base sa iba’t ibang senaryo.

Tiniyak din ng opisyal na hindi malulugi ang PhilHealth dahil nandiyan ang subsidiya mula sa national government para sa mga premium ng indirect contributors nito kaya aniya “PhilHeallth will last forever”.

Facebook Comments