PhilHealth, minamadali na ang pagbabayad ng unpaid claims sa mga ospital

Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na minamadali na nila ang proseso sa pagbabayad ng utang sa mga ospital.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na nasa ₱166 billion na ang nabayaran nila para sa 13.6 million na claims mula noong nakaraang taon hanggang nitong katapusan ng Hunyo.

Katumbas ito ng 76.4 percent ng 18 million na claims mula sa iba’t ibang pribado at pampublikong ospital sa bansa.


Ayon sa PhilHealth, minamadali na nila na iproseso ang natitirang 12 percent na nagkakahalaga naman ng ₱25.6 billion mula sa kanilang mga opisina.

Facebook Comments