Sinita ni Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang “no repeat policy” “single confinement policy” ng ahensya sa mga myembro nito.
Sa ilalim ng nasabing polisiya, isang beses lang mababayaran ang confinement o pagpapaospital ng isang pasyente kahit pa ma-confine ulit ito sa parehong sakit.
Sa pagdinig ng Senado ay iginiit ni Go na napakalaki ng pondo ng PhilHealth at hindi dapat nagpapatupad ng ganitong klase ng polisiya.
Bukod dito, hindi rin maiiwasan ng mga myembro na umulit ang sakit at ma-confine sa ospital.
Dagdag pa rito ay pinatataasan din ng mga mambabatas ang benefit packages ng PhilHealth at ipinasasama na rin ang dental package.
Nangako naman si PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr. na aalisin na nila ang nasabing polisiya at magpapatupad ng mga pagbabago sa PhilHealth.