Personal na iniabot ni PhilHealth President at Chief Executive Officer, Emmanuel R. Ledesma, Jr. ang ceremonial check na nagkakahalaga ng P239 milyon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang bahagi ng suporta ng Ahensiya sa pagpapalakas ng serbisyong medikal sa mga nasasakupan ng nasabing lungsod.
Tatlong ospital na pinapatakbo ng pamahalaang lokal ang tatanggap ng pinakamalaking bahagi ng pondo. Ang mga ito ay Quezon City General Hospital (P101.57 M), Rosario Maclang Bautista General Hospital (P58.03 M) at Novaliches District Hospital (P47.74 M).
Ang iba pang health facilities ay makatatanggap din ng reimbursements, kasama dito ang Quezon City Molecular Diagnostics Laboratory (P11 M), Quezon City – Social Hygiene (P10 M), Quezon City – Klinika (P7 M), at Quezon City – Lying-in Clinic (P98 K). Magkakaroon din ng P2 M ang Quezon City Konsulta Health Centers para sa pagpapatupad ng Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) package ng PhilHealth.
Ang mga residenteng nakarehistro sa Quezon City Konsulta Health Centers ay maaaring mag-avail ng konsultasyon, health screening at assessment, mga gamot at laboratoryo.
Ang ceremonial turnover ay ginanap kasabay ng LAB for All event kamakailan sa Risen Garden sa Quezon City.