PhilHealth, naglabas na ng opisyal na pahayag sa ulat ng DOJ sa umano’y nagaganap na anomalya sa ahensiya

77

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaugnay sa inisyal na ulat na inilabas ng Department of Justice (DOJ) sa umano’y nagaganap na anomalya sa ahensiya.


Ayon kay Arnel De Jesus, Executive Vice President at Chief Operating Officer ng PhilHealth, handa ang PhilHealth na tanggapin ang anumang magiging desisyon ng DOJ at ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa mga natuklasan at rekomendasyon ng mga ito.

Base rin sa mga naganap na pagdinig ng Senado, suportado rin ng ahensiya na panagutin ang mga may sala at huwag idamay ang mga inosente.

Handa namang makipagtulungan ang buong sangay ng PhilHealth sa gagawing imbestigasyon ng Task Force PhilHealth sa tulong na rin ng iba pang ahensiya ng gobyerno para lumabas ang katotohanan.

Facebook Comments