PhilHealth, naglabas ng bagong health benefits packages para sa itinuturing na sampung ” rare diseases”

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang kanilang bagong health benefits packages sa itinuturing na sampung rare diseases.

Ayon kay PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma, Jr., kabilang dito Maple Syrup Urine Disease, Methylmalonic Acidemia/ Propionic acidemia, Galactosemia, Phenylketonuria, Gaucher Disease, Pompe Disease, Fabry Disease, Hunter and Morquio Syndromes, Osteogenesis Imperfecta.

Kinumpirma rin ni Ledesma na inaprubahan din ng PhilHealth Board ang kanilang packages para sa Acute Myocardial Infarction (AMI) o heart attacks, peritoneal dialysis, at kidney transplants.
Inanunsyo rin ni Ledesma ang pagpapalawig ng PhilHealth sa coverage para sa rehabilitation services, tulad ng assessment ng physical therapist, occupational therapist, speech pathologist o psychologist, gayundin ang therapy sessions


Bukod pa aniya rito ang pag-expand sa suorta sa CKD 5 patients o ang Z Benefits para sa Kidney Transplantation sa 2-Million pesos mula sa P600,000 benefit coverage.

Facebook Comments