PhilHealth, nagpaalala sa mga asymptomatic COVID members na kumuha ng home isolation package

Nagpaalala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa kanilang miyembro na mayroon silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga asymptomatic o may mild symptoms.

Ayon kay PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo, ang package na ito ay para sa mga miyembrong nagpositibo sa COVID-19 sa RT-PCR test pero hindi sakop ang severe o critical symptoms.

Aniya, ang miyembro na maaaring makakuha nitong package ay kailangang may hiwalay na isolation room at banyo na may maayos na ventilation.


Paliwanag ni Domingo, ang home isolation package na ito ay isang alternatibong opsyon para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 na ayaw manatili sa isang Community Isolation Unit (CIU) at nais na makatanggap ng suportang pangkalusugan nang direkta sa kanilang mga tahanan.

Samantala, tiniyak ng PhilHealth na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga pribadong ospital kaugnay sa pagkaantala ng mga claim.

Facebook Comments