Inilabas na ng PhilHealth ang bagong circular nito na nagsasaad ng bagong premium rates kasabay ng pagpapatupad ng Universal Healthcare Act.
Ayon kay PhilHealth President and CEO Ricardo Morales – ang buwanang premium rate ng mga miyembro nito ay tataas ng 0.25% o mula sa 2.75% ngayong taon hanggang sa maging 3% pagdating ng 2020.
Ibig sabihin, ang mga may monthly basic salary na nasa 10,000 pesos ay kailangang magbayad ng premium na 300 pesos sa 2020, at 275 pesos naman ngayong taon.
In-adjust din ng PhilHealth ang salary brackets na sakop ng bawat premium category.
Halimabawa, ang mga may sahod na ₱10,000 hanggang ₱59,999 sa susunod na taon ay kailangang magbayad ng ₱300 hanggang ₱1,800 na premium.
Facebook Comments