Bayad na ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ang higit 50% ng pagkakautang nila sa iba’t ibang mga ospital sa bansa.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Dr. Rene de Grano, Presidente ng Philippine hospital Association of the Philippines Inc. o PHAPI na may bago silang problema sa PhilHealth.
Ginawa kasi aniyang requirement for accreditation ng PhilHealth ang pagiging member ng isang ospital sa Philippine Hospitals Association o PHA.
Sa ngayon kasi, ayon kay De Grano may mga miyembro sila sa PHAPI na hindi na nagpa-renew sa PHA.
Katwiran ni De Grano, magdo-doble pa kasi ang membership ng kanilang mga ospital kung magpapa-member din sila sa PHA dahol pareho lamang naman aniyang organisasyon ang dalawa.
Ang PHAPI ay mga ospital na pribado, habang ang PHA ay binubuo ng mga government at private hospital.
Kaya naman ayon kay De Grano, hiling nila sa pamunuan ng PhilHealth na sana ay parehong tanggapin ng PhilHealth for accreditation ang membership ng PHA at PHAPI.