Philhealth, nakapaglabas na ng higit 66-billion pesos na halaga ng COVID-19 claims simula 2020

Umabot na sa 66.3-billion pesos na halaga ng COVID-19 benefit claims ang nailabas ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth nang magsimula ang pandemya sa bansa.

Ayon kay Philhealth acting vice president for corporate affairs Rey Baleña, kabilang sa sakop ng claims ang testing, community at home isolation at pagpapa-ospital.

Habang may alok ding benepisyo ang Philhealth sa mga inpatient o yung mga naka-confine sa ospital dahil sa COVID-19.


Samantala, inihahanda na ng ahensya ang pagpapatupad ng mga bagong benefit package sa mga miyembro nito tulad ng outpatient mental health package, severe acute malnutrition package at outpatient therapeutic care para sa severe-acute malnutrition.

Nakatakda ring palawakin ang dialysis package sa mga outpatient na may chronic disease stage- 5 sa 156 sessions kada taon mula sa 90 sessions.

Facebook Comments