Nakipag-partner ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Bureau of Investigation (NBI) para labanan ang mga posibleng health insurance fraud.
Ayon kay PhilHealth Spokesperson Rey Baleña, nais paigtingin ni PhilHealth President Dante Gierran ang mga hakbang laban sa fraud schemes.
Maaari silang humingi ng investigative assistance mula sa NBI kabilang ang surveillance, investigation at entrapment laban sa mga lalabag.
Ang mga PhilHealth officers at mga empleyado ay maaaring ipatawag bilang mga testigo.
Ang lahat ng records, dokumento at impormasyon ay dapat i-turn-over ng PhilHealth sa NBI para tumulong sa pagresolba ng mga kaso.
Facebook Comments