Philhealth, nanindigang legal ang Interim Reimbursement Mechanism

Nanindigan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang kanilang emergency cash advance measure ay legal at mahalaga para sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay PhilHealth, ang Interim Reimbursement Mechanism (IRM) ay sinuspinde para i-evaluate ang system.

Ang IRM ay ginamit ng PhilHealth para tulungan ang Health Care Institutions (HCIs) sakaling magkaroon ng mabibigat na sitwasyon tulad ng COVID-19 health crisis.


Pagtitiyak ng state health insurer na makikipagtulungan sila sa mga imbestigasyon at hindi magdadalawang isip na panagutin ang sinumang mapapatunayang guilty.

Patuloy rin anila ang pagbibigay sa mga miyembro nito ng kinakailangang mga benepisyo.

Ang lahat ng Pilipino ay automatic members ng PhilHealth sa ilalim ng Universal Health Care law.

Ang mga tanggapan ng PhilHealth sa buong bansa ay mananatiling bukas para sa mga transaksyon habang mahigpit na ipinatutupad ang precautionary protocols.

Nabatid na sinuspinde ang pagpapatupad ng IRM matapos itong punahin ng mga mambabatas dahil sa iregularidad.

Facebook Comments