PhilHealth officials na sangkot sa anomalya, inirekomendang isailalim sa immigration watchlist

Dismayado ang ilang kongresista matapos na hindi masama si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga makakasuhan batay sa naging rekomendasyon ng Task Force PhilHealth kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Jocelyn Tulfo, hindi dapat nagpapalinlang sa pagmumukha ni Duque na tila isang maayos at disenteng tao.

Kung hindi pa aniya nagkaroon ng pandemya ay hindi aalingasaw ang bulok na sistema sa PhilHealth.


Kasabay nito, inirekomenda rin niyang isailalim sa hospital arrest ang nagbitiw na PhilHealth Chief Ricardo Morales.

Umapela naman si Bagong Henerasyon Party-List Rep. Bernadette Herrera-Dy sa Department of Justice (DOJ) na ilagay sa immigration watchlist at maglabas ng hold departure order laban sa mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa malawakang korapsyon sa ahensya.

Facebook Comments