Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga pamunuan ng ospital para maayos ang sinasabing isyu ng unpaid COVID-19 claims na aabot pa sa bilyong piso.
Ito ay kasunod ng plano ng ilang mga private hospital na kumalas na sa PhilHealth dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa sila nababayaran.
Ipinaliwanag ni PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo na nasa P152.8 billion na ang halaga ng kanilang nailabas na pambayad o katumbas ng 75 porsyento ng kabuuang claims.
Samantala, tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pondo ang gobyerno na pambayad sa hospital claims habang muli itong nagpaalala kay PhilHealth President Dante Gierran na bayaran na ang mga sinasabing utang lalo na’t ito aniya ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte.