
Pinag-aaralan na ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ang pagdaragdag ng mga gamot para sa kanilang PhilHealth Gamot Program.
Iyan ang naging pahayag ni Philhealth President at CEO Dr. Edwin Mercado sa ginanap na pulong balitaan kaninang umaga.
Ayon kay Dr. Mercado na nasa halos 300 ang nasa listahan ng essential drugs ng Department of Health (DOH) at ang 75 na kanilang inaalok na gamot ay parte laman iyon kaya kanilang pinaplanong magtuloy-tuloy na magdagdag ng gamot.
Dagdag pa niya na kanilang prayoridad na magdadag ng insulin drugs para sa mga kababayang may diabetes.
Pero nilinaw niya na wala pa silang eksaktong bilang kung ilang gamot ang kanilang idaragdag sa programa dahil kinakailangan pa itong maaprubahan ng Health Technology Assessment Council.
Sa huling taya ng PhilHealth, nasa ₱2.9 billion ang inilaang pondo ng ahensya kung saan mahigit na 300 ang accredited na botika ang nasa ilalim GAMOT Program kung saan 56 sa mga ito ay mula sa Metro Manila at pinaplanong gawing nationwide bago matapos ang taon hanggang sa unang parte ng 2026.









