PhilHealth, pinagpi-prisinta ng alternatibong paraan sa planong i-delay ang Universal Health Care Law

Pinagpi-prisinta ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang PhilHealth ng alternatibong paraan dahil sa balak nito na pagpapaliban sa implementasyon ng Universal Health Care (UHC) Law.

Giit ni Salceda, tutol siya sa balak at katwiran ng PhilHealth na iaantala muna ang UHC Law bunsod ng mababang koleksyon sa kontribusyon kaya hindi nito masakop o mabigyan ng subsidiya ang lahat ng mga benefit package.

Sinabi ng kongresista na minadali noon ng PhilHealth ang Kongreso na aprubahan ang UHC Law at dapat na gawin naman ng PhilHealth ang parte nito.


Iginiit ng kongresista na magprisinta muna ang PhilHealth ng operationalized alternatives bago sabihin na hindi nito kayang ipatupad ngayong 2020 ang UHC Law.

Kinwestyon din ng kongresista kung nagamit ba nang tama ng PhilHealth ang kanilang reserved fund at kung may inilatag na bang mekanismo ang Government-owned and Controlled Corporation (GOCC) para maiwasan ang anumang anomalya o iregularidad.

Matatandaan na sinabi ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales na sa halip na P153 bilyon ang pondong matanggap ng ahensya para sa 2020, ay P71.3 bilyon lamang ang inilaan habang P46.5 bilyon ang kanilang koleksyon sa premium contribution pero P52.5 bilyon naman ang kanilang inabot sa kanilang benefit expenses.

Facebook Comments