PhilHealth, pinalawak na ang dialysis coverage ng hanggang 144 sessions

Inaprubahan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na dagdagan ang hemodialysis sessions limit mula sa 90 patungong 144.

Ayon kay PhilHealth President Dante Gierran, maaaring ma-avail ang bagong 144-session limit hanggang December 31, 2020.

Maglalabas sila ng guidelines hinggil special package sa pamamagitan ng circular.


Inaatasan ni Gierran ang lahat ng regional offices at concerned healthcare facilities na patuloy lamang na kilalanin ang lahat ng availments na lagpas sa 90-session limit alinsunod sa prescription ng isang lisensyadong physician.

Ang mga pasyenteng nagbayad para sa kanilang hemodialysis sessions ay maaaring mag-file ng kanilang claims sa pinakamalapit na PhilHealth office.

Facebook Comments